Bagong teknolohiya ng DOST tuwing may kalamidad, tinawag na Emergency Food reserve
Tinawag na Emergency food reserve o EFR ang pinakabagong teknolohiya ng Industrial technology development institute o ITDI.
Ito ay may malaking maitutulong umano sa mga kababayan natin lalung-lalu na kapag may kalamidad.
Ang EFR o tinatawag din ng mga mananaliksik nito na Sagip-Nutri flour ay harina mula sa kamoteng kahoy, kamoteng baging, malunggay at munggo. Ito ang mga sangkap na tunay na masustansya at pampalipas-gutom.
Batay sa pag-aaral, ang kagandahan dito ay ang katangian nitong ready-to-eat, hindi kailangang lutuin o painitan ang Sagip Nutri Flour, may neutral o banayad itong lasa kung kaya’t maaaring sangkapan ng iba’t-ibang mga pampalasa o flavor.
Tinitiyak rin ng mga mananaliksik na ang EFR ay makatutulong din sa kalusugan ng sinumang kakain nito.
Ulat ni Belle Surara
=== end ===