Bagong variant ng enhanced Nutribun, inilunsad ng DOST-FNRI
Inilunsad ng DOST-Food and Nutrition Research Institute ang bagong “variant” ng Enhanced Nutribun na tinawag na Enhanced Nutribun Carrots variants.
Kung matatandaan, noong nakalipas na taon ay unang inilunsad ang Enhanced Nutribun na ang sangkap na ginamit ay kalabasa.
Dahil sa kakulangan ng suplay ng kalabasa at mataas na presyo nito, na nagiging dahilan upang magkaroon ng problema ang mga adaptors ng technology at hindi na nila matugunan ang demands kanilang partner agencies para sa supplementary feeding – minarapat ng FNRI na magdagdag pa ng isang sangkap, ito nga ang carrots.
Sa pamamagitan din ng E-Nutribun with carrots ay matutulungan din ang mga magsasaka na nagtatanim ng nabanggit na gulay.
Ang isang serving ng Enhanced Nutribun with Carrots ay nagtataglay ng 500 kilocalories, 18 gramo ng protina, 6 miligramo ng iron at 350 micrograms (μg) ng bitamina A.
Kaya naman, hinihikayat ng DOST-FNRI ang mga adaptors ng naunang variant ng E-Nutribun, mga bakery companies at maging mga panaderya sa mga komunidad na maging adaptors ng teknolohiyang Enhanced Nutribun Carrots upang ang Enutribun ay mas maging available sa mga consumers sa buong bansa.
Squash noon, Carrots naman ngayon, sa bawat kagat, nutrisyon ay sapat.
Belle Surara