Bagong variant ng sweet potato enhanced nutribun inilunsad ng DOST- FNRI
Iba’t-ibang makabagong teknolohiya ang pattuloy na idedevelop ng DOST – Food and Nutrition Research Intitutue o FNRI ngayong taon.
Ito ang binigyang diin ni Dr. Imelda Angeles-Agdeppa, ang Director ng FNRI.
Ayon kay Angeles, Director, DOST- FNRI, ngayong 2022 patuloy pa rin ang DOST-FNRI sa paghahatid ng mga pag-aaral sa teknolohiya pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang ahensya at organisasyon upang tugunan ang problema sa pagkain at malnutrisyon.
Kaugnay nito, inilunsad ang bagong variant ng Enhanced Nutribun o E Nutribun Sweet Potato variant kung saan ang tagline ay OPPS may bagong variants ang E Nutribun.
Sinabi ni DOST Secretary Fortunato dela Pena na ang Sweet potato ay isa sa pinaka-popular at malawakang itinatanim na rootcrops sa pilipinas.
Sagana ito sa nutrients at antioxidants.
Ayon naman kay cabinet Secretary Karlo Alexis Nograles, sa panahon ngayon, higit na kinakailangan natin na pangalagaan ang kalusugan ng bawat isa dahil ito ang ating depensa laban sa kasalukuyang pandemya.
Ang problema sa kagutuman at malnutrisyon ay may iba’t-ibang aspeto kaya naayon lamang na patuloy ang pagsusuri upang makahanap ng mga makabagong solusyon upang mas mabilis na makatugon at maibsan ang paglawak ng problema sa kagutuman.