Bagong virus strain, 56% na mas nakahahawa ayon sa pag-aaral
PARIS, France (AFP) – Nagbabala ang mga siyentista na ang nag-mutate na coronavirus strain na kunakalat sa Britanya, ay 56 percent na mas nakahahawa kaysa original version.
Batay sa pag-aaral na inilathala nitong Miyerkoles ng Centre for Mathematical Modelling of Infectious Diseases sa London School of Hygiene and Tropical Medicine, na ang bagong variant na lumitaw sa southeast England noong Nobyembre na mabilis na kumakalat, ay malamang mas magparami sa mga mao-ospital at mamamatay dahil sa COVID-19 sa susunod na taon.
Ayon sa mga researcher, na nakatutok sa English south east, east at London, na hindi pa tiyak kung ang mutated strain mas nakamamatay o hindi kaysa sa orihinal na strain.
Anila … “Nevertheless, the increase in transmissibility is likely to lead to a large increase in incidence, with Covid-19 hospitalisations and deaths projected to reach higher levels in 2021 than were observed in 2020, even if regional tiered restrictions implemented before 19 December are maintained.”
Nagbabala ang mga may-akda na ang national lockdown na ipinatupad sa England noong Nobyembre, ay malamang na hindi makapipigil sa pagtaas ng infections, maliban nang isara rin ang primary schools, secondary schools, at universities.
Anoman anilang pagluluwag sa umiiral na restrictions, ay malamang na magdulot ng muling pagsigla ng virus.
Sa pag-aanunsyo naman ng dagdag pang stringent lockdown measures ngayong holiday, sinabi ni British Prime Minister Boris Johnson na ang bagong viral strain ay maaaring 70 percent na mas nakahahawa kaysa original version ng sakit.
Ang pagkakadiskubre ng bagong new strain ay ikina-alarma ng buong mundo, habang mas maraming bansa ang nagsisimula na ng kanilang vaccination campaign para mapigilan ang pandemya, na ikinamatay na ng higit 1.7 milyong katao mula nang lumitaw ito sa China nitong nakalipas na taon.
Maraming bansa ang agad na nagpatupad ng travel ban sa mga manggaling ng Britanya.
Ayon naman sa co-founder ng BioNTech — isa sa mga kompanyang nasa likod ng bakuna na ipinamahagi na sa buong mundo sa linggong ito — ang bakuna ay may mataas na kalamangang maging mabisa laban sa mutated strain na na-detect sa Britanya.
© Agence France-Presse