Bagyo sa labas ng bansa, may posibilidad na pumasok sa PAR kung hindi magbabago ang direksyon – PAGASA
Maganda at maaliwalas na panahon ang umiiral sa buong Luzon ngayong Huwebes.
Pero ayon sa PAGASA, posible pa rin ang mga pulu-pulong pag-ulan sanhi ng localized thunderstorms.
Asahan din ang mainit na temperatura lalo na sa dakong tanghali hanggang hapon dahil naman sa umiiral na Easterlies.
Samantala, isa nang Tropical Depression ang binabantayang Low Pressure Area na nasa labas ng bansa.
Huli itong namataan sa layong 1,655 kilometers per hour na may lakas ng hanging aabot sa 45 kph at pagbugso na aabot ng hanggang 55 kph.
Inaasahang kikilos ito sa direksyong pa-Northwest sa bilis na 15 kph at kapag napanatili ang galaw nito ay inaasahang bukas papasok ito sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Kapag nakapasok na sa bansa ay papangalanan itong Isa.
Inaasahang ngayong araw papalo ng hanggang 35 degree celsius ang temperatura sa Tuguegarao, Cagayan habang aabot naman sa 33 degrees ang temperatura sa Metro Manila.
TL