Bagyong ‘Egay’ posibleng maging super typhoon – PAGASA
Posibleng umabot sa super typhoon category ang bagyong ‘Egay’ matapos sumailalim sa tinatawag na rapid intensification habang kumikilos sa Philippine Sea.
Itinaas ng PAGASA ang signal number 2 sa Southeastern portion ng Isabela kabilang ang Palanan at Dinapigue, gayundin sa Northeastern ng Catanduanes partikular sa Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, at Gigmoto.
Signal number 1 naman ang umiiral sa:
- Cagayan
- Babuyan Islands
- Rest of Isabela
- Quirino
- Nueva Viscaya
- Apayao
- Kalinga
- Abra
- Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- La Union
- Northern portion ng Pangasinan (Natividad, San Nicolas, San Quintin, Sison, Pozorrubio, San Manuel, San Fabian, Anda, Bolinao, San Jacinto, Manaoag, Laoac, Binalonan, Asingan, Tayug, Santa Maria, Umingan, Dagupan City, Mangaldan)
- Northern at Eastern portions ng Nueva Ecija (Carranglan, Bongabon, Gabaldon, Pantabangan, Lupao, San Jose City)
- Northern at Southeastern portions ng Quezon (Pitogo, San Andres, Buenavista, San Francisco, Calauag, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Guinayangan, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, General Nakar, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, San Narciso, Tagkawayan)
- Polillo islands
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Rest of Catanduanes
- Albay
- Sorsogon
- Masbate
- Northern Samar
- Eastern Samar
- Samar
- Biliran
Sa bulletin ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa 565 kilometers sa Silangan ng Baler, Aurora taglay ang lakas ng hangin na 140 kilometers per hour malapit sa gitna at bugso ng hanggang 70 kilometers per hour.
Kumikilos si Egay sa bilis na 15 kilometers per hour pa-kanluran.
Sa forecast, tatawid ang bagyo sa Luzon Strait at posible pa ring mag-landfall o lumapit sa kalupaan sa Babuyan Islands at Batanes area, sa Martes ng gabi hanggang Miyerkules ng hapon.
Posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Huwebes habang kumikilos sa karagatan ng southwest ng Taiwan sa labas ng PAR at inaasahang magla-landfall sa Fujian, China sa Huwebes o sa umaga ng Biyernes, matapos itong tumawid sa Taiwan Strait.
Sinabi naman ng PAGASA na kung magbago ang track ng bagyo malapit sa landmass ng Luzon, maaring umabot sa peak ang lakas ng bagyo bago ang super typhoon category threshold, gayunman patuloy pa rin itong magiging malakas na bagyo.
Palalakasin ng bagyong Egay ang epekto ng southwest monsoon o habagat na magdudulot naman ng mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon at Visayas sa susunod na 3 araw.
Pinaghahanda naman ng PAGASA ang mga lokal na pamahalaan para sa posibleng epekto ng bagyong Egay.
Weng dela Fuente