Bagyong Marce lalo pang lumakas
Lalo pang lumakas ang Typhoon Marce na malapit na sa Super typhoon category habang papalapit sa hilagang-silangan ng Cagayan.
Sa Tropical cyclone bulletin ng PAGASA kaninang 11am, huling namataan ang sentro ng bagyo sa 175 kilometers silangan ng Aparri, Cagayan,
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 165 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso ng hanging aabot sa 205 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa kanluran, hilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 4 sa Northern portion ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands,Northern portion ng Apayao at Northern portion ng Ilocos Norte.
Nasa ilalim naman ng signal no. 3 ang Batanes, nalalabing bahagi ng Cagayan, nalalabing bahagi ng Apayao, nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, Northern portion ng Abra at northern portion ng ilocos sur
Signal no. 2 naman ang Northern at Central portions ng Isabela,nalalabing bahagi ng Abra, Kalinga, Mountain Province, Northern portion ng Ifugao, Northern portion ng Benguet at nalalabing bahagi ng Ilocos Sur, Northern portion ng La Union.
Habang nasa signal no. 1 naman ang nalalabing bahagi ng La Union, Pangasinan, nalalabing bahagi ng Ifugao, nalalabing bahagi ng Benguet, nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Northern at Central portions ng Aurora, Northern portion ng Nueva Ecija at Northern portion ng Zambales.
Batay sa forecast track ng PAGASA, posibleng lumapit o mag-landfall ang bagyo sa Babuyan Islands o sa Northern portion ng mainland Cagayan, Ilocos Norte at Apayao hanggang bukas ng madaling-araw.
Nakataas din ang Gale warning sa seaboards ng Northern at Central Luzon kaya pinaiiwas muna sa paglalayag ang lahat ng uri ng sasakyang pandagat dahil sa napaka-maalong karagatan na maaaring umabot ng hanggang 12.0 meters ang alon partikular sa Babuyan Islands seaboard.
Inaasahan namang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Marce bukas ng hapon hanggang gabi.