Bagyong Marce lumabas na sa PAR

Lumabas na ng sa Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Marce kaninang alas-4 ng hapon.

Ayon sa PAGASA huling namataan ang bagyo sa layong 285 kilometers ng Sinait , Ilocos sur.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometer per hour at pagbugsong aabot sa 185 kilometer per hour.

Kumikilos ang bagyo pakanluran timog kanluran sa bilis na 20 kilometer per hour.

Nananatili paring nakataas ang gale warning sa seaboards ng Northern Luzon bunsod ng matinding alon.

Wala nang babala ng bagyo makaraang tuluyang humina si Marce

Samantala, isang low pressure area ang binabantayan ng PAGASA.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *