Bagyong Odette patuloy na lumalayo sa PAR; Signal no. 1 nakataas pa rin sa Kalayaan islands
Patuloy na lumalayo sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Odette.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 320 kilometers Northwest ng Pag-Asa island, Kalayaan, Palawan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 105 km/h malapit sa gitna at pagbugso ng hanggang 240 km/h.
Ngayong Linggo, shear line ang nakakaapekto sa Northern part ng Luzon at Northeast Monsoon o Amihan naman sa nalalabing bahagi ng Luzon.
Sa susunod na 3 araw inaasahang patuloy na kikilos ang bagyong Odette sa West Philippine Sea.
Nananatili sa ilalim ng Signal no. 1 ang Kalayaan islands pero maaari na rin alisin ang babala ng bagyo sa mga susunod na oras.
Sinabi pa ng PAGASA na walang inaasahang mabubuong bagyo o sama ng panahon sa loob at labas ng PAR sa susunod na 4 na araw.
Pinag-iingat din ang mga maglalayag sa mga baybayin sa malaking bahagi ng bansa dahil may nakataas na gale warning at posibleng umabot ng 2.8 hanggang 5.0 meters ang alon sa mga karagatan.
Ang Luzon area ngayong araw kasama ang Metro Manila ay asahan ang makulimlim na panahon at kalat-kalat na pag-ulan dulot ng trough ng bagyo.