Bagyong Ofel humina matapos maglandfall sa Baggao Cagayan

Tatlong lugar sa Luzon ang isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 4 matapos maglandfall sa Baggao, Cagayan ang bagyong Ofel na may international name Usagi.

Ayon sa PAGASA , kaninang alas dos ng hapon ang bagyong ofel ay namataan sa layong 50 km East Northeast ng Tuguegarao City, Cagayan.

Kumikilos ang bagyo pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 KPH.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 240 kilometers per hour.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *