Bagyong Rolly, nanatiling nasa “near -supertyphoon” category habang palapit sa Bicol region
May posibilidad na maging Super Typhoon ang bagyong Rolly sa susunod na 12 oras.
Kumikilos ang bagyong Rolly sa direksyong west-southwestward patungo sa baybaying dagat sa Bicol Region.
Inaasahang magbabago ng direksyon ang bagyo simula Linggo ng umaga patungo sa direksyong west-northwest, kung saan ang mata ng bagyo ay dadaan sa Catanduanes at Camarines Provinces sa umaga hanggang hapon, at sa Quezon-southern Aurora area sa hapon hanggang gabi.
Ang sentro ng mata ng bagyo ay tinatayang dadaan sa Calaguas Islands bukas ng hapon, at tatama sa kalupaan ng Polillo Islands at mainland Quezon bukas ng gabi.
Inaasahan din ang pagtawid ng bagyo bago tuluyang lumabas ng mainland Luzon landmass sa Lunes ng umaga.
Ngayong araw, mararanasan na ang mga mahina hanggang katamtaman at minsan ay malakas na pag-ulan Central Visayas, Negros Occidental, Leyte. Southern Leyte, Palawan including Cuyo Islands, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, at Sulu Archipelago.
Pagsapit ng late evening hanggang umaga ay mararanasan na ang heavy to intense rains sa Bicol Region, CALABARZON, Metro Manila, Central Luzon, Marinduque, at northern portions of Occidental at Oriental Mindoro.
Moderate to heavy rains naman sa Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino.