Bahagi ng nawawalang F-15 sa Japan, nakita na
Pinaghahanap ngayon ng Japanese boats at aircrafts ang dalawang crew mula sa fighter jet na pinaniniwalaang bumagsak matapos magtake-off nitong Lunes ng hapon.
Natagpuan na ang bahagi ng F-15 jet, nguni’t hinahanap pa rin ng mga awtoridad ang dalawa kataong lulan nito.
Sinabi ng top government spokesman na si Hirokazu Matsuno, na ang jet na nasa isang training mission ay nawala sa radar ilang sandali makaraang magtake-off.
Nawala ito mga 5 kilometro kanluran-hilagangkanluran ng Komatsu airbase sa central Ishikawa region.
Ayon kay Matsuno . . . “As part of the fuselage of the fighter jet was discovered in the area, the fighter jet is believed to have crashed.”
Aniya . . . “All efforts were being made to locate the missing crew members, with Self-Defense Force aircraft and vessels as well as coastguard patrol boats searching the area.”
Wala pang ibinibigay na paliwanag sa pagbagsak ng jet, at wala ring atas ang defence ministry na i-ground ang mga F-15 dahil sa nangyari.