Bahagyang tumaas ang bilang ng Unemployed
Bahagyang tumaas ang bilang ng unemployed o walang trabaho sa bansa noong December 2021.
Sa pinakahuling Labor Force survey ng Philippine Statistic Authority, umaabot sa 3.27 million ang walang trabaho mas mataas sa 3.16 million na naitala noong November 2021 na katumbas ng 6.6 percent.
Aabot aniya sa 110,000 ang bilang ng nadagdag sa walang trabaho dahil sa mga restriction.
Bagamat karamihan na sa mga lugar ay nasa ilalim ng Alert level 2 noong Disyembre, marami pa ring negosyo ang nagpapatupad ng 50 percent capacity kaya ang ibang mangagawa hindi pa nakakabalik sa trabaho.
Ilan sa mga sektor na bumaba ang employment at ang fishing at aquaculture, education at information and communications.
Ang industry sector pa rin ang may pinakamataas na employment na nakapagtala ng 26.21 million o katumbas ng 56.6 percent.
Meanne Corvera