Bahay sa Mexico, nanganganib na higupin ng isang napakalaking sinkhole
PUEBLA, Mexico (AFP) – Ikina-alarma na ng mga residente sa isang rural area sa central Mexico, ang isang higanteng sinkhole na araw-araw ay palaki pa ng palaki at nagbabantang lamunin ang isang bahay.
Unang inakala ng pamilya Sanchez na kidlat ang narinig nilang malakas na tunog na parang may bumagsak, nitong Sabado.
Subalit nadiskubre nila na nag-collapse ang lupa ilang metro lamang mula sa kanilang bahay sa Santa Maria Zacatepec, sa estado ng Puebla.
Nitong Linggo, ang sinkhole na puno ng tubig, ay nasa 30 metro o halos 100 talampakan na ang lawak.
Ayon sa mga awtoridad, mabilis pa itong lumaki ng 60 metro noong Lunes at nasa 80 metro na kahapon, Martes.
Anila, delikado na ang distansiya nito sa bahay ng pamilya Sanchez, na nangangamba na baka mawalan sila ng tahanan.
Ayon kay Heriberto Sanchez, orihinal na mula sa southeastern state ng Veracruz . . . “We have nothing. We’re not from here. We have no relatives. We’re alone.”
Ikinukonsidera ng mga awtoridad at mga siyentipiko, ang hypotheses kabilang ang isang geological fault o variations sa content ng tubig ng lupa, na siyang posibleng sanhi ng sinkhole.
Sinabi ni Puebla state governor Miguel Barbosa . . . “It will grow until nature decides, when the water stops exerting pressure. The important thing now is public safety.”
Dagdag pa ni Barbosa, bibigyan ng mga awtoridad ng kompensasyon ang mga apektado ng naturang sinkhole.
@ Agence France-Presse