Bakit hindi puwede ang Brunch?

Alam natin lahat na ang pagkain ay mahalaga sa kalusugan.

May kasabihan nga “Let food be thy medicine, and medicine be thy food”.

Kayo anong madalas ninyong kainin, lalo na sa almusal?


Pero sa totoo lang sa hirap ng buhay ngayon, ang ilan sa atin ay nagtitipid, pinag-iisa o pinagsasama na ang kanilang almusal at lunchkaya nauso ang brunch.

Dahil dito tinanong natin si Ms. Ana Baes, Registered Nutritionist Dietician at Research Specialist I, DOST-FNRI, gaano kahalaga ang almusal?

Ang kanyang sagot …. ihalintulad natin sa isang kotse na kapag walang gasolina (pagkain) ay hindi tatakbo, dapat maintindihan dahil galing sa mahabang pagtulog binibreak ang fasting period.

Kaya dapat ay kumain.

Ang pagkain ng almusal ay nagbigigay ng energy para may magamit tayong lakas sa activities na gagawin sa buong araw.

Ang mga pagkain ay nakoconvert bilang nutrients na kailangan ng ating katawan.

Kapag busog mas alerto, mas listo.

Nilinaw ni Ms. Ana na walang best breakfast, ang mahalaga ay masunod ang Go, Grow, at Glow Foods. Ito ang food pyramid, dito sa atin, tinawag itong Pinggang Pinoy.

photo courtesy of DOST-FNRI

Samantala, nagbigay ng mura at masustansiyang halimbawa ng almusal si Ms. Ana gaya ng isang pritong itlog, steam rice, at saging.

Paliwang niya ang egg ay good source ng protina, habang ang kanin ay source ng energy, hanggat maari huwag ng fried rice.

Kaya patuloy na hinihikayat na alamin ang pinggan pinoy bilang gabay sa masusustansiyang pagkain. Take note, hindi lang ito para sa mga bata kahit sa may edad din!

Idinagdag din niya ang tamang oras ng pagkain ng almusal.

Kung nagising ka ng alas singko ng umaga, mag-almusal ka ng 7am.

Ibig sabihin dalawang oras ang palipasin bago ka mag-almusal.

Samantala, strategically 3-4 hours ang kasunod na meal o pananghalian.

Kaya sa mga eskwelahan pinag-aralan ang oras ng break o recess ng mga bata.

Paalala nga pala ng FNRI, (Food Nutrition Research Institute) huwag magskip ng meals o kaya pagsamahin ang almusal at pananghalian.

Ang epekto nito, may tendency na maparami ang kakainin at sosobra sa limit ng dapat lamang kainin.

Ngayon alam na natin, huwag kaligtaan kumain sa tamang oras at iwasan ang brunch!

Please follow and like us: