Bakit Mahilig Maglublob Ang Baboy sa Putikan?
Ang mga hayop ay may ibat ibang paraan kung paano maglinis ng kanilang sarili, gaya ng mga pusa, they lick themselves to clean. Ang ibon naman ay tinutuka ang pakpak o balahibo para sa self grooming. Ang baboy naman ay mahilig maglulob sa putik o mud bath.
Bakit nga ba mahilig maglublob ang baboy sa putikan?
Ayon kay Mark Ferdinand Garcia, isang biologist, ang pigs ay mahilig sa putik para sa thermoregulation o sa common term ay para lumamig ang kanilang katawan. Wallowing ang technical term nito. Since walang sweat glands ang mga pigs, kailangan nilang gamitin ang mud para malamigan at makadagdag ng proteksyon mula sa init.
Sa pamamagitan rin ng putik ay nababawasan ang external parasites na maaring kumapit sa kanila.
Tinanong natin kung lahat ba ng breed ng baboy ay ganito. Sabi niya, most domestic pigs or yung mga ginagamit sa pagkain ay hindi na ginagawa ang behavior na ito dahil usually ay naka house na sila sa mga grower farms na may maayos na temperature control.
Nagbigay din ng paalala para sa hog raisers kung paano makakaiwas sa sakit ang mga alagang baboy. Ang ilang paraan para maiwasan ang sakit ay ang mga sumusunod:
Pagkakaroon ng maayos na facilities especially yung may magandang temperature control. Pagkakaroon ng maayos na nutrition. Pagsasagawa ng maayos na deworming at vaccination programs. Lastly, ang pagkakaroon ng maayos na biosecurity o mga steps at protocols na ginagawa ng isang farm para ma-reduce ang exposure nito mula sa mga mikrobyo sa labas ng farm, gaya ng kumakalat ngayon na ASF (African Swine Flu).
Alam niyo ba na nasa hundreds of breed meron ang domestic pig sa buong mundo. Sa Pilipinas, may 16 na varieties ang inaalagaan dahil sa magandang source of income. Tulad na lamang ng Landrace, Large White, Duroc, Hampshire, Berkshire at Pietrain.
Samantala, ang baboy ay sinasabing pinakamatalinong domestic animal higit na matalino kaysa sa aso. Meron silang excellent memories. During piglet stage, kaya nilang matandaan ang pangalang ibinigay sa kanila sa loob laman ng ilang linggo. Madali rin nilang maalala at makakilala ng mga bagay kahit magdaan pa ang ilang taon.