Bakuna kontra Tigdas, Polio at Rubella, pinaigting ng DOH-NCR

Inilunsad ng Department of Health – National Capital Region (DOH-NCR) ang libreng mass vaccination program laban sa Tigdas, Polio at Rubella para sa mga batang wala pang isang taon hanggang 5-taong gulang.

Kabilang sa pinasimulang kampanya ng DOH-NCR ang “Chikiting Ligtas kontra Tigdas, Polio at Rubella” sa Sito Militar, Barangay Bahay Toro, Quezon City na pinangunahan ni Dra. Pretchell Tolentino, Assistant Regional Director ng DOH-NCR.
Target ng DOH-NCR na mabakunahan laban sa Tigdas, Polio at Rubella ang 95% ng mga kuwalipikadong bata sa loob ng isa at kalahating buwan.

Ayon kay Tolentino hindi dapat ipagwalang-bahala ang pagkakaroon ng bakuna ng mga bata lalo na ang Tigdas dahil nakakakamatay ang komplikasyong dulot nito.

Kung kinakailangang sinabi ni Tolentino na magba-bahay-bahay ang health workers ng DOH para mabakunahan ang mga batang vulneranle sa tigdas, polio at rubella katuwang ang local government units (LGUs).

Aminado si Tolentino na bumagsak ang kumpiyansa ng mga magulang sa bakuna dahil sa stigma na iniwan ng Dengvaxia anti-dengue vaccine.


Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *