Bakuna para sa Covid-19, posibleng sa Abril 2021 maging available – FDA
Posibleng sa Abril ng susunod na taon ay magkaroon na ng bakuna para sa Covid-19.
Ito ang best case scenario na nakikita ni Food and Drug Administration Administration Director General Eric Domingo, kung matatapos ang mga Clinical trial sa mga bakuna para sa covid-19 hanggang Disyembre o Enero.
Ayon kay Domingo kung pagkatapos ng kanilang clinical trial ay agad na makakapag apply ng mga kinakailangang dokumento sa FDA ang mga manufacturer ng bakuna para sa covid – 19 ay mabilis naman itong maaprubahan.
Sinabi naman ni DOST Sec. Fortunato dela Pena, nasa kanilang pagtaya kayang matapos ang mga clinical trial sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan.
Best case scenario din aniya na sa loob ng panahong ito ay kung makakapag apply sila kaagad ng mga dokumento at agad silang maaprubahan.
Matatandaang una ng sinabi ni Domingo na may inilagay na silang fast lane para sakaling magkaroon na ng bakuna sa covid-19 ay agad itong maaprubahan at maging available sa merkado.
Madz Moratillo