Ballgowns, surveillance at cloning, for sale sa ginanap na China pet fair
Isang kumikinang na golden ballgown na isa punto limang metro ang haba, ang isa sa naging main attraction sa ginanap na pet fair sa China kamakailan at ito ay nagkakahalaga ng $13,700.
Pero hindi lang ito ang naka-display at puwedeng ma-avail sa Pet Fair Asia na ginanap sa Shanghai, dahil napakarami pang mga mamahalin at sopistikadong gadget sa naturang pet fair na itinuturing na pinakamalaki sa rehiyon, na patunay lamang na lumalawak na ang mga tech-savvy fur parents.
Sinabi ng isang dog owner na nagngangalang Song, “If you have a puppy, it’s just like your own child. Anyone who has raised one knows… They hold a huge place in your heart.”
Lumaki ang mga bilang ng mga nag-aalaga ng hayop sa China, kung saan umabot na ito sa halos 100 milyong households noong 2022.
Iniuugnay ng mga analyst ang paglago sa mga nakababatang henerasyon at sinabing, ang “pagbabago ng mga pananaw sa istruktura ng pamilya at pagtaas ng single population o mga walang asawa” ay isang malaking dahilan.
Ayon sa isang kabataang babae na nagngangalang Duan na isa sa mga bumisita sa pet fair, “Young people are more individualistic, they don’t want to sacrifice their whole lives (raising children) like the previous generation, so they hope that by raising an animal they will immediately get that intimacy and warmth… but not spend as much time and energy.”
Ang pet owners ay gumagastos din ng maraming pera para sa kanilang “furry family.”
Sinabi ng stall manager na si Sun Chao, “The $13,700 dog dress — which comes with a matching tiara — is hand-embroidered and designed for a canine wedding, and we usually have around a few dozen orders a year for such designs.”
Aniya, “The overall economic environment in our country in the past few years has not been very good, but the pet market is in a league of its own.”
Ayon sa iiMedia Research, “The industry is projected to grow 68 percent to 811 billion yuan ($112 billion) by 2025.”
Posters for cat food are seen at Pet Fair Asia in Shanghai / REBECCA BAILEY / AFP
Tampok sa Pet Fair Asia, ang higit sa 2,000 exhibitors na nagbebenta ng iba’t ibang items gaya ng tofu cat litter, desiccated treefrog snacks, at dog doughnuts and macarons.
At dahil sa “intense work culture” ng rehiyon, karaniwan na ang remote surveillance devices na sa pamamagitan nito ay magagawa nang ma-monitor ng pet owners na busy sa trabaho ang kanilang mga alaga kahit mula sa malayo.
Susunod na rito ang paggamit ng artificial intelligence upang makatulong sa pag-interpret ng mga galaw ng mga alagang hayop at magkaroon ng naaangkop na reaksiyon.
Sa stall naman ng Chinese company na Sinogene, maraming bisita ang nakapaligid sa isang cage ng magkakamukhang frisky terriers na nakasuot ng mga harness na may nakasulat na “I am a clone dog”.
Ang kumpanya ay isa sa iilan sa mundo na nag-aalok ng mga serbisyo sa pag-clone ng hayop — na nagbibigay-daan sa mga alagang hayop at mga may-ari nito na maging “magkasama magpakailanman,” gaya ng isinasaad ng tagline nito.
Sinabi ng isang kinatawan ng kumpanya na nagngangalang Dai, na nakapag-clone na sila ng humigit-kumulang sa 500 mga hayop para sa kanilang Chinese customers, simula nang mag-umpisa sila noong 2017, kabilang na ang para sa security services ng bansa.
Ang pag-clone sa isang aso ay nagkakahalaga ng nasa pagitan ng $30,000 at $60,000, depende sa breed o lahi nito.
Ayon kay Dai, “At the beginning, the business was met with wariness from consumers. But with the development of the economy and people’s dependence on pets… people have slowly begun to familiarise themselves with and accept cloning.”
Bagama’t karamihan sa mga nakadisplay sa fair ay para sa aso at pusa, mayroon din namang para sa exotic pets.
Sa isang exhibition hall, isang kaleidoscope ng mga ahas ang umiikot sa maliliit na plastic takeaway containers, at may isa ring kahon na puno naman ng meerkats.