Bangkay ni dating Senadora Leticia Ramos Shahani, dinala sa Senado
Dinala na sa Senado ang bangkay ni dating Senadora Leticia Ramos Shahani para sa necrological services.
Itoy bilang pagkilala sa ambag ni Shahani bilang mambabatas na nagsilbi sa loob ng labindalawang taon o mula 1987 hanggang 1998.
Dumating din sa Senado ang mga miyembro ng pamilya ni Shahani kasama ang kaniyang kapatid na si dating Pangulong Fidel Ramos.
Personal ring nagpaabot ng pakikiramay sina dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada, dating Vice President Teofisto Guingona, dating Senadora Santanina Rasul, Senador Rodolfo Biazon, Juan Ponce Enrile, Orly Mercado, Aquilino Nene Pimentel, Loi Estrada, dating Senador Heherson Alvarez at dating Senador Ramon Magsaysay Jr.
Ipinagkaloob sa pamilya ni Shahani ang Senate Resolution 44 kung saan nakasaad ang pagpapaabot ng pakikiramay at pagkilala sa naging ambag ng dating Senadora sa lipunan.
Ulat ni: Mean Corvera