Bangko Sentral ng Pilipinas inaprubahan ang bagong guidelines sa pagpili ng mga external auditors ng mga financial institutions
Pinagtibay ng monetary board ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga bagong patakaran sa pagpili, pagtanggap at pagtanggal ng external auditors sa mga financial institution.
Layon ng bagong guidelines na maisaayos ang selection process ng lahat ng mga external auditors sa sektor ng pananalapi at maisulong ang tinatawag na ease of doing business.
Alinsunod sa bagong framework, lahat ng aplikasyon, bago man o luma para mapabilang sa List of Selected External Auditors ng kagawaran ay kinakailangan maisumite sa Securities and Exchange Commission simula sa June 2019.
Ang SEC ang magsasagawa ng ebalwasyon sa mga aplikasyon sa pakikipag-koordinasyon sa BSP at kinakailangan makapasa sa mga requirements ng ahensya alinsunod sa nagpaskunduan.
Ang mga nakasama sa List of Selected External Auditors para sa BSP Supervised Financial Institutions ay magiging valid sa loob ng limang taon, o kaya ay sa mas maiksing panahon depende sa pangangailangan sa mga ito ng financial sector supervisors.
Ulat ni Moira Encina