Bantang Food Holiday ng mga grupo ng magsasaka, hindi pinansin ng DA
Sinagot ni Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Noel Reyes na nagpapapansin lang ang mga nagbabantang magsasagawa ng Food holiday ang ilang grupo ng magsasaka, magbababoy, at magmamanok, sa bansa.
Sa interview ng Balitalakayan, sinabi ni Reyes na matagal na nila itong naririnig at bakit kailangan itong gawin gayung kasama naman ang mga ito sa consultation na isinasagawa.
Magkagayunman, sinabi ng tagapagsalita, hindi naman maaapektuhan ng sinasabing food holiday ang pagdating ng mga produkto o produksyon ng gulay, manok, isda dahil harvest season maliban sa baboy na sa ngayon ay masikip pa rin ang suplay .
Matatandaang nagbanta ang Pork Producers Federation of the Philippines na magsasagawa sila ng Food holiday bilang protesta sa hindi pagdinig ng Department of Agriculture sa kanilang mga hinaing.
Julie Fernando