Barangay East Tapinac sa Olongapo City nagsagawa ng disinfection


Nagsagawa ng disinfection sa buong barangay ng East Tapinac, sa lungsod ng Olongapo
Pinangunahan ito ni Kapitan Dante Hondo, sa pakikipagtulungan ng Barangay Council at mga purok lider.

Nilibot at sinuyod nila ang buong barangay, mula sa mga kalsada, estero, kanal at mga bakanteng lote para bombahan ng disinfectant gamit ang barangay truck at patrol vehicle.
Kaugnay nito ay hiniling din ng lokal na pamahalaan sa mga residente, na mag-disinfect sa kani-kanilang bahay at compound.
Ayon kay Kap Hondo hindi lang ito laban sa COVID-19, kundi pati na rin sa ibat-ibang sakit na lumalaganap lalo na ngayong panahon ng tag-init.
Pinayuhan din ng barangay ang lahat ng residente na magsuot ng face mask at face shield tuwing lumalabas ng kani-kaniyang tahanan, at kung hindi naman mahalaga ang pupuntahan ay manatili na lang sa kani-kaniyang bahay.
Samantala, namamalagi pa rin ang curfew hours para sa mga menor de edad, mula alas-7:30 ng gabi hanggang ala-5:00 ng umaga, kung saan may mag-iikot na barangay patrol sa mga nasabing oras.

Ulat ni Sandy Pajarillo

Please follow and like us: