Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Mindanao, ipinagpaliban na ng COMELEC

Ipinagpaliban na ng COMELEC ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Mindanao na nakatakda sanang gawin sa Oktubre.

Sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez, nagpasya ang COMELEC En Banc na huwag ituloy ngayong Oktubre ang botohan sa Mindanao dahil sa nagaganap na kaguluhan at rebelyon kaya isinailalim ang rehiyon sa Martial Law.

Nakakita aniya ng sufficient basis ang COMELEC para ipostpone ang eleksyon batay na rin sa kapangyarihan na ibinigay sa poll body ng Omnibus Election Code.

Sa ilalim ng Section 5 ng Omnibus Election Code, may kapangyarihan ang COMELEC na iutos ang pagpapaliban ng eleksyon sa alinmang political subdivision kung sa tingin nila ay imposibleng makapagsagawa ng malaya, tapat at maayos na botohan dahil sa karahasan, terorismo, pagkawala o pagkasira ng mga election records at iba pang dahilan.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *