‘Barbenheimer’ nanguna sa Golden Globes nominations

Cillian Murphy and Margot Robbie (AFP)

Ang “Barbie” at “Oppenheimer” — ang mga pelikulang nangibabaw sa takilya at nagbunga ng hindi mabilang na internet meme — ang nanguna sa bagong inayos na mga nominasyon sa Golden Globes.

Ang “Barbie” – na isang malinaw na feminist satire tungkol sa plastic dolls – ay nakakuha ng siyam na nominasyon kabilang ang best comedy, maging ng acting nominations para sa mga artista nito na sina Margot Robbie at Ryan Gosling.

Nakuha rin ng “Barbie” na siyang top-grossing movie ngayong taon na kumita ng mahigit sa $1.4 billion sa buong mundo, ang tatlong best song nominations, at pagkilala sa writer-director nito na si Greta Gerwig.

Walong nominasyon naman kabilang ang best drama at best director ang nakuha ng “Oppenheimer,” ang ‘critically adored film’ ni Christopher Nolan tungkol sa imbentor ng nuclear bomb.

Ang cast members nito na kinabibilangan nina Cillian Murphy, Emily Blunt at Robert Downey, Jr., ay nakakuha ring lahat ng nominasyon.

Ang dalawang blockbusters – na binansagang “Barbenheimer” matapos na ang kanilang pagpapalabas ay mataon sa magkaparehong petsa – ay may malakas na ngayong simula sa film awards season ng Hollywood, na magtatapos sa Oscars sa Marso.

Sinabi ng bagong executive vice president ng Globes na si Tim Gray, “It’s amazing that they maintained that momentum. Last July, people were exclaiming about how popular they are, but I think nobody was confident that they were going to dominate the awards. But they did.”

Ang iba pang mga pelikula na napatunayang popular sa Globes voters ay ang “Killers of the Flower Moon” at “Poor Things,” na kapwa nakakuha ng pitong nominasyon, at ang “Past Lives” na mayroong lima.

Umaasa ang Globes organizers, na ang tagumpay ng “Barbenheimer” ay magiging daan upang malipat ang pokus sa mga hindi magandang pangyayari na sanhi upang maging usap-usapan ang Globes.

Naharap ang Golden Globes sa hindi magandang sitwasyon nitong nakalipas na mga taon, makaraan ang isang Los Angeles Times expose noong 2021 na nagpapakitang ang voting body nito – ang Hollywood Foreign Press Association (HFPA) – ay walang Black members.

Ang rebelasyon ay nag-trigger sa paglitaw ng maraming iba pang mga kritisismo tungkol sa HFPA, kabilang ang alegasyon ng ‘amateurism’ at korapsiyon.

Sa unang bahagi ng taong ito, ang mga ari-arian at trademark ng Globes, ay binili at inayos ng isang grupo ng mga pribadong mamumuhunan kabilang ang US billionaire na si Todd Boehly, at ang HFPA ay na-disband.

Ang mga dating miyembro ng HFPA na nakabase sa Hollywood ay pinagbawalan na tumanggap ng mga regalo, at binabayaran na ngayon ng suweldo para bumoto para sa kanilang mga paboritong pelikula at palabas.

Ang katotohanan na sila ay nagtatrabaho sa parehong kumpanya sa likod ng palabas mismo, ay pinagmulan ng ilang mga alalahanin tungkol sa mga potensyal na salungatan ng interes, ngunit hindi sumang-ayon dito si Gray.

Aniya, “I don’t think it does. Seriously, I had never heard of that before — paying voters to vote — but that’s part of their duty. I’m pleased at how seriously everybody takes their job.”

Mahigit sa 200 non-member (at unpaid) voters mula sa 75 mga bansa sa buong mundo ang nairagdag din sa Globes mix.

Ang isa pinakamalaking television networks ng Estados Unidos, ang CBS ang siya na ngayong bagong tahanan ng Globes, makaraang tapusin na ng NBC ang kanilang pakikipagkasundo sa Globes na ipalabas ang event.

Aasahan ng mga boss ng CBS ang malaking improvement sa ratings, pagkatapos na bumagsak ang 2023 Globes sa ‘new low’ na 6.3 milyong manonood lamang. Bagama’t ang Oscars ay nakabawi na.

Isang bagong kategorya para sa “best cinematic or box office achievement” ang naragdag, na magbibigay-daan para sa mga nominasyon sa mga popular na pelikula na karaniwang hindi nakakukuha ng ‘critical recognition.’

Kabilang sa walong nominado ay ang “The Super Mario Bros. Movie” ng Universal at ang Marvel superhero film na “Guardians of the Galaxy Vol. 3.”

Sa isa pang pagsisikap na parangalan ang mas marami pang household names, ang bilang ng mga nominado sa bawat kategorya ay dinagdagan.

Ang A-listers gaya ni Leonardo DiCaprio – ang bida sa crime epic movie ni Martin Scorsese na “Killers of the Flower Moon” at si Emma Stone para sa kaniyang papel sa isang female Frankenstein-esque drama na “Poor Things,” ay nakakuha ng mga nominasyon.

Gayundin sina Paul Giamatti (“The Holdovers”), Timothee Chalamet (“Wonka”), Natalie Portman (“May December”) at Bradley Cooper – bilang artista at direktor ng “Maestro.”

Pararangalan din ng Globes ang mga mahuhusay sa telebisyon.

Ang “Succession” ang nangunguna sa drama section na mayroong siyam na nominasyon, habang ang mga comedy na “The Bear” at “Only Murders in the Building” ang nangunguna sa comedy na bawat isa ay may limang nominasyon.

Ang 81st Golden Globes ceremony ay gaganapin sa Beverly Hills sa January 7.


Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *