‘Barbie’ lumampas na sa $1bn mark
Muling dinomina ng pink wave ang North American theaters sa tatlong sunod na linggo, dahil nangunguna pa rin sa box office ang pelikula ng Warner Bros. na “Barbie,” kung saan lumampas na sa isang bilyong dolyar ang kinita nito sa buong mundo na unang nangyari para sa isang solo woman director.
Ayon sa executives ng industry watcher na Exhibitor Relations, hindi lamang gumawa ng kasaysayan ang Greta Gerwig-directed blockbuster matapos maabot ang billion-dollar box office milestone, kundi naabot ito ng mas mabilis kaysa alinmang pelikula kabilang yaong ang direktor ay mga lalaki, sa 100-taong kasaysayan ng Warner Bros.’
Sinabi ng analyst na si Paul Dergarabedian ng Comscore, “The film, which earlier scored the biggest opening weekend of the year, ‘has captured the imagination of moviegoers around the world’ and the results are incredibly impressive.”
Pinagbibidahan ni Margot Robbie bilang Barbie at Ryan Gosling bilang Ken, at co-written ni Gerwig at ng kanyang partner na si Noah Baumbach, ang pelikula ay kumita ng inaasahang $53 milyon para sa Friday-through-Sunday period, at ang kabuuang domestic earnings nito ay $459 milyon at $1.03 bilyon naman sa buong mundo.
Kabilang sa supporting cast sina Will Ferrell, Kate McKinnon at America Ferrera na nagdagdag pa ng star power sa pelikula, habang ang soundtrack nito ay kinabibilangan ng mga bagong kanta ng chart toppers na sina Dua Lipa, Lizzo at Nicki Minaj — kasama na rin ang isang sorpresang hit na “I’m Just Ken,” ang power ballad na kinanta ni Gosling sa pelikula.
Ang “Barbie” ay ika-anim lamang sa mga pelikulang lumampas ng $1 bilyon sa box-office simula nang magkaroon ng pandemya ng Covid-19.
Sa modernong kasaysayan ng box office, 53 pelikula lang ang kumita ng mahigit $1 bilyon, at sa ngayon ay ang “Barbie” na idinirek ng isang babae ang may pinakamalaking kita na tumalo sa kabuuang $821.8 milyon ng “Wonder Woman” sa buong mundo.
Tatlong pelikula naman na co-directed ng mga babae ang nangunguna pa rin kaysa “Barbie,” ito ay ang “Frozen” ($1.3 bilyon) at “Frozen 2” ($1.45 bilyon) na parehong idinirek ni Jennifer Lee, at “Captain Marvel” ($1.1 bilyon), na co-directed ni Anna Boden.
Ngunit, nalampasan ng “Barbie” ang domestic earnings ng “Captain Marvel” na may $459.4 milyon (kumpara sa $426.8 milyon), kaya ang “Barbie” na ang may hawak ngayon sa North American record para sa mga live-action movie na idinirek ng mga babae.
“Oppenheimer” is facing off against “Barbie” in the biggest clash of Hollywood summer blockbusters, with both opening on the same day in a duel the media has dubbed “Barbenheimer.” / VALERIE MACON / AFP
Samantala, nahulog naman sa ikatlong puwesto ang “Oppenheimer” ng Universal, ang dark historical drama na ang opening week ay kasabay ng “Barbie” na nagresulta sa malawakang “Barbenheimer” social media trend.
Dinaig ito ng bagong offering ng Warner Bros. na “Meg 2: The Trench,” na isang action sequel na kinatatampukan ni Jason Statham na nasa ikalawang puwesto.
Director, Ben Wheatley attends the special fan screening of “MEG 2: THE TRENCH” at Odeon Luxe Leicester Square on August 02, 2023 in London, England. (Photo by Jeff Spicer/Getty Images for Warner Bros) / Jeff Spicer / GETTY IMAGES EUROPE / Getty Images via AFP
Ang “Meg 2” ay kumita ng $30 million para sa weekend, habang ang “Oppenheimer” ni Christopher Nolan ay kumita ng $28.7 million upang itulak ang global total nito sa $552 million.
Ayon sa Hollywood Reporter, “That total made the story about the creation of the atomic bomb the all-time top grossing World War II film, ahead of Nolan’s own “Dunkirk” ($527 million) and Steven Spielberg’s “Saving Private Ryan” ($482 million), not adjusted for inflation.”
A general view during the Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem Special Screening at BFI Southbank on July 30, 2023 in London, England. (Photo by Antony Jones/Getty Images for Paramount Pictures UK ) / Antony Jones / GETTY IMAGES EUROPE / Getty Images via AFP
Ang ika-apat na puwesto para sa weekend ay napunta sa “Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem,” ang pinakabago sa franchise tungkol sa isang team ng “reptilian heroes in a half shell.” Ang animated comedy ng Paramount na kinatatampukan ng tinig nina Jackie Chan at Post Malone, ay kumita ng $28 million.
Nalaglag ng dalawang spot ang Disney release na “Haunted Mansion” na nasa ika-limang puwesto. Pinagbibidahan ito nina LaKeith Stanfield, Tiffany Haddish at Owen Wilson, at kumita na ng $8.9 million.
Namalagi naman sa ika-anim na puwesto ang independent film na “Sound of Freedom,” ng Santa Fe Films at Angel Studios, na kumita ng $7 million.
Sa pangkalahatan, ito ay isang “exceptional weekend” para sa Hollywood, kung saan ang apat na nangungunang mga pelikula ay kumita ng $28 milyon o higit pa — bagama’t aabangan pa kung mananatili ang ganitong “momentum” sa harap ng makasaysayang welga ng mga manunulat at mga artista.
Sinabi ng mga analyst, “Not only did the top films come close to doubling the total from the same weekend last year, they surpassed the corresponding pre-pandemic weekend in 2019.”
Samantala, narito ang kukumpleto sa top 10:
“Mission: Impossible – Dead Reckoning Part 1” ($6.4 million)
“Talk to Me” ($6.2 million)
“Indiana Jones and the Dial of Destiny” ($1.5 million)
“Elemental” ($1.2 million)