Barbie na dinala sa kalawakan idi-display sa London
Isang Barbie na namalagi ng anim na buwan sa kalawakan lulan ng International Space Station (ISS), ang idi-display sa linggong ito sa Design Museum sa London upang sa unang pagkakataon ay masilayan ng publiko.
Magiging bahagi ito ng bagong exhibition kaugnay ng 65th anniversary ng Barbie brand, na nakatakdang buksan sa Biyernes sa pakikipagtulungan sa Mattel na creator ng naturang manika.
Ang Barbie ay ginawa sa wangis ni Samantha Cristoforetti, ang unang babaeng kumander ng ISS. Sa naturang misyon kung saan kasama niya ang kaniyang ka-lookalike Barbie, si Cristoforetti ang naging unang European woman na nakakumpleto ng isang spacewalk.
May mapapanood na mga video ni Cristoforetti habang nasa kalawakan kasama ang ka-lookalike niyang Barbie, na sinasagot ang mga tanong sa kaniya at hinihikayat ang mga kabataang babae na maging scientists at astronauts.
Sinabi ng curator na si Danielle Thom, “We’re so excited that the first time anyone can see Samantha’s doll since it returned from the International Space Station is at the Design Museum this summer. Its remarkable journey on Samantha’s history-making mission 400 kilometers above the Earth was one of the most dramatic moments in Barbie’s evolving story.”
Ayon naman kay Cristoforetti, “I am ‘thrilled’ that my Barbie would play a ‘starring role’ in the exhibition.”
At upang ma-highlight ang iba pang koneksiyon sa pagitan ni Barbie at ng cosmos, ay magkakaroon ng isang “rare edition” ng unang space-themed Barbie sa display.
Ang silver “Miss Astronaut” ay ang unang paglabas ni Barbie bilang isang astronaut noong 1965, apat na taon bago narating ni Neil Armstrong ang buwan.
Ang isa pang Barbie na nakasuot ng metallic pink spacesuit ay lumabas noong 1985, pagkatapos na si Sally Ride ay maging unang American woman sa kalawakan.
Ang iba pang ‘rare dolls’ ay ang isang prototype ng unang Talking Barbie na inilunsad noong 1968 at isa sa pinakaunang edisyon ng Barbie dolls.
Maaasahan din ng mga bisita ang ilan sa ‘iconic figurines’ sa display, gaya ng Sunset Malibu Barbie at Day to Night Barbie.
At bilang pagpapakita sa pagbabago ng disenyo ni Barbie sa pagdaan ng panahon, makakasama rin sa exhibition ang mga kaibigan ni Barbie gaya nina Midge, at isang section na dedicated naman kay Ken, ang male companion ni Barbie.
Simula nang lumabas sa mga sinehan ang pelikulang “Barbie” na pinagbidahan ni Margot Robbie na bumasag ng box office records noong nakaraang taon, ang manika ay mas lalo pang naging popular.