‘Barbie’ tinalo na ng ‘Beetle’ sa N.American Theaters
Maganda at hindi maganda ang balita para sa pelikulang “Blue Beetle,” ang pinakabagong superhero film na ipinalabas sa North American theaters at siyang unang pelikulang ginawa na nakabatay sa isang live-action Latino protagonist.
Bagama’t nanguna ang DC Studios/Warner Bros. production sa Friday-through-Sunday period at katunayan ay sinipa nito sa trono ang nagre-reynang “Barbie,” ay kumita lamang ito ng tinatayang $25.4 million na ayon sa mga analyst ay siyang “pinakamababang” DC superhero debut.
Ang “Beetle” ay pinagbibidahan ng 22-anyos na American actor na si Xolo Mariduena, na isang mixed Mexican, Cuban at Ecuadoran descent
Ang “barbie” naman na bumagsak na sa ikalawang puwesto matapos dominahin ang mga sinehan sa loob ng limang linggo, ay kumita na ng $21.5 million domestically at $1.27 billion globally.
Namalagi naman sa ikatlong puwesto sa ika-limang linggo ang “Oppenheimer” ng Universal na kumita naman ng $10.6 million domestically at nalampasan na ang $700 million mark globally.
Pang-apat ang animated film ng paramount na “Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem,” na kumita ng $8.4 million, tampok dito ang tining nina Maya Rudolph, Ayo Edebiri, John Cena, Jackie Chan, Ice Cube at Paul Rudd.
Pasok sa ika-limang puwesto ang bagong talking-dog comedy na “Strays,” ng universal na kumita ng $8.3 million.
Narito naman ang bubuo sa top 10 :
“Meg 2: The Trench” ($6.7 million)
“Talk to Me” ($3.2 million)
“Haunted Mansion” ($3 million)
“Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One” ($2.7 million)
“The Last Voyage of the Demeter” ($2.5 million)