Barko ng China nagsasagawa ng ‘goodwill visit’ sa Pilipinas
Nakadaong sa pantalan ng bansa ang isang Chinese Navy vessel para sa isang “goodwill visit.”
Nakadaong sa Pier 15 sa Maynila ang Chinese People’s Liberation Army Navy Training Ship na Qi Jiguang para sa 4-na-araw na friendly tour.
Kabilang sa magiging aktibidad ng crew ng barko ang pagbisita ng Chinese officers at mga kadete sa barko ng Philippine Navy at passing exercises.
Sinalubong ang Qi Jigueng nina Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, mga opisyal ng Embahada habang sa panig naman ng Philippine Navy ay sinalubong sila ni Commodore Carlo Lagasca.
Ang Qi Jiguang ay ang pinakamalaki at most advanced naval training vessel na idinesenyo at itinayo ng China.
Ito ang kanyang kauna unahang port call ng barko sa Pilipinas..
Bago dumaong sa bansa, bumisita na rin ito sa Vietnam, Thailand at Brunei.
Bukas sa publiko para bisitahin ang barko na mananatili sa bansa hanggang sa Sabado, June 17.
Madelyn Moratillo