Basketball clinic para sa mga kabataan, inilunsad ng isang coach sa Cainta, Rizal
Karamihan sa mga Pinoy ay nag-aabang at nanonood sa kani-kaniyang telebisyon upang abangan ang laro ng kanilang hinahangaang koponan.
Bukod dito ay ginagaya rin ng mga mahilig sa sports ang istilo ng kanilang mga hinahangaang manlalaro. May ilang kabataan na nagsasanay mag-isa upang mahasa sa paglalaro anomang uri ito ng sports.
Pero, sa Cainta Rizal ay may isang coach na naglunsad ng isang basketball clinic upang turuan at gabayan ang ilang kabataan sa paglalaro ng basketball na in-demand sa buong mundo.
Anim na buwan matapos ang pandemya ng Covid-19, ay sinimulan ni Coach Ryan Acebueche ang pagsasanay sa kanyang mga trainee na nagmula pa sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Wala siyang pinipili, lalaki man o babae ay kaniyang tinatanggap sa kaniyang training camp.
Ayon kay coach Ryan, layunin ng kaniyang basketball clinic na matulungan ang mga kabataan na makamit ang kanilang pangarap sa larangan ng sports, partikular sa basketball.
Kaugnay nito ay hinikayat niya ang mga kabataan sa kanilang lugar na nagnanais na matuto ng basketball na sumali sa kaniyang training camp.
Tantan Alcantara