Basta Natural program ng Radyo Agila ginawaran ng pagkilala sa Thailand
Pinagkalooban ng Special Recognition ng Global Human Rights Council for Peace & Sustainable Development si Dr. Erwin Torres sa kanyang programang Basta Natural na halos dalawampung (20) taon nang sumasahimpapawid.
Ang Special Recognition Award ay ibinigay kay Dr. Erwin Torres sa Asia Pacific Education Summit na isinagawa sa Bangkok,Thailand noong August 6, 2023.
Sa nasabing Education Summit ay ipinagkaloob naman ng the Thames International University ng Paris, France kay Dr. Erwin ang titulong Doctor of Science in the Specialized Field of Naturopathy honoris causa degree dahil sa kanyang karanasan, dedikasyon at kontribusiyon sa pagsusulong ng Natural medicine hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibat – ibang bahagi ng bansa sa pamamagitan ng mga ibinibigay niyang seminars at lectures .
Nakamit din ni Dr. Erwin Torres ang full Membership Status sa The British Council for Complementary Therapies ngayong January 2023 at Fellow Member ng International Alternative Medicine Association.
Ang Basta Natural ( BN) ang isa sa pinakamatagal ng programa sa Radyo Agila na nagsimula pa noong March 2004.
Napapakinggan sa radyo at mapapanood sa youtube page at FB page ng Radyo Agila ang BN tuwing alas- 7 hanggang alas- 8 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes at tuwing sabado 2:30 ng hapon hanggang alas- 4 ng hapon .
Ang programa ay tumatalakay sa Natural medicine, Herbal medicine at ibat-ibang complementary medicine system tulad ng Traditional Chinese medicine, Naturopathy, Indian Ayurvedic medicine, Acupuncture at iba pa na dumaan sa Research at Scientific studies.
Congratulations to Dr. Erwin Torres at sa Programang Basta Natural