Batas kontra mga colorum na sasakyan, mahigpit na ipinatutupad sa Dagupan City

Mahigpit na ipinatutupad sa Dagupan City ang batas laban sa mga colorum na sasakyan na pumapasok sa lunsod.

Aabot sa 50 mga colorum vans ang hinuli ng Public Order and safety office ng lunsod. Bukod dito, nasumpungan rin ang mga drivers na walang lisensya o expired na ang lisensya, tampered ang lisensya at plaka, at ang ilan naman ay out of way, mali ang ruta at walang terminal sa lunsod.

Ang paghuli ng city government sa mga colorum na sasakyan ay kasunod ng puspusang pagsasaayos sa problema sa trapiko mula sa mga pasaway na drivers at operators.

Bumubuo rin sa ngayon ang Sangguniang Panglunsod upang lagyan ng ngipin ang panukalang city ordinance laban sa mga colorum na sasakyan upang pangalagaan ang kapakanan ng mga commuters.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *