Batas na magbibigay ng tuloy-tuloy na suporta sa mga health workers sa panahon ng health crisis pinirmahan na ni Pangulong Duterte
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11712 o ang batas na magbibigay ng tuloy tuloy na financial support sa mga health workers sa panahon ng global health crisis dulot ng pandemya ng COVID-19.
Nakasaad sa batas na lahat ng mga health worker ay makakatanggap ng buwanang allowance depende sa uri ng peligro sa kalusugan ng kanilang pinaglilingkuran.
Ayon sa batas 3,000 pesos kung low risk, 6 ,000 pesos kung medium risk at 9,000 pesos kung high risk.
Mayroon ding financial assistance na matatanggap ang health worker kung tinamaan ng COVID- 19, 15,000 pesos kung moderate ang symptoms , 100,000 pesos kung severe at kung namatay ay 1 million pesos.
Vic Somintac