Batas para magbigay ng diskuwento sa indigent job seekers, isinusulong ng isang senador

0
Sen. Lito Lapid

Courtesy: Senate.gov.ph

İsinusulong ni Senador Lito Lapid ang pagsasabatas ng panukalang magbibigay ng diskwento sa indigent job seekers sa gitna ng kakulangan ng trabaho sa bansa.

Layunin ng inihaing Senate Bill No. 2382 o Indigent Job Applicants Discount Act ni Lapid, na mabigyan ng 20 percent discount ang mga mahihirap na aplikante sa binabayarang fees at charges, gaya ng NBI, Police Clearance, School Clearance o Transcript of Records, Medical, Marriage at Birth Certificates.

Kabilang sa kwalipikado sa panukalang batas ang mga pamilyang nasa mababang poverty threshold.

Naniniwala si Sen. Lapid na mahahango sa kahirapan ang isang pamilya kung may trabaho ang sinumang miyembro nito.

Sa panukala, sinumang pampublikong opisyal o kawani na tumangging magbigay ng mga benepisyo para sa indigent job applicant ay mapapatawan ng parusang hindi bababa sa P5,000 at hindi naman lalagpas sa P20,000.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *