Batas para sa libreng gamot sa mga Ospital ng Gobyerno, isinusulong
Magkakaroon na ng libreng gamot sa lahat ng ospital ng gobyerno sa bansa.
Ito’y sa oras na maging batas ang isinusulong na House Bill 3753 o ang Free Medicine for the Poor act.
Batay sa panukalang batas na inihain ni Quezon City Representative Alfred Vargas, magkakaroon ng Free medicine program sa lahat ng Government District hospitals, Local health units at Barangay health centers sa mga lungsod at munisipalidad.
Nakasaad din na ito ay pangangasiwaan ng Department of Health o DOH at Department of Social Welfare and Development.
Ayon kay Vargas, karapatan ng bawat indibiduwal lalo na ng mga mahihirap na pamilya na magkaroon ng madaling access sa kinakailangang mga gamot upang mapabuti at kanilang kalusugan.
===============