Batas para sa Mental health at bullying pinaaamyendahan na sa Senado
Pinaamyendahan na ni Senador Sonny Angara sa Senado ang Republic Act 11036 o Mental Health law na nilagdaan noong 2018.
Ayon kay Angara batay sa pag- aaral ng World Health Organization, ang Pilipinas ang isa sa mga bansang may pinakamataas na kaso ng depression na pinalala pa ng COVID-19.
Sinusuportahana aniya ito ng datos mula sa Department of Health na nagsabing aabot sa tatlo punto anim na milyong pilipino ang nakakaranas ng mental health issues gaya ng depression.
Sinabi ng Senador na sa kasalukuyang batas, aabot lang sa 7,800 pesos ang halaga ng benefit package mula sa PhilHealth para sa mental at behavioral disorders.
Nais ni Angara na maisama sa sasagutin ng philhealth ang therapy session ng isang pasyente at dapat kasama ang mental health issues sa primary care benefit package ng korporasyon.
Ayon kay Senador Bong Go na Chairman ng Senate Committee on Health, kung maaprubahan ang amyenda may nakalaan namang pondo ang PhilHealth para dito.
katunayan, sa ilalim ng 2023 National budget isinulong nya ang alokasyon na 79 billion pesos na subsidy at 21 billion pesos na benefit package improvement sa PhilHealth.
Bukod sa Mental health law, pinaamyendahan sa Senado ang batas bullying na isa sa mga sinasabing dahilan ng depresyon lalo na sa mga bata.
Meanne Corvera