Bayanihan Bakunahan 4 posibleng isagawa sa Marso – DOH
Target ng Department of Health na isagawa sa susunod na buwan o sa Marso ang ikaapat na bugso ng Bayanihan Bakunahan.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, magiging prayoridad nila rito ang pagbabakuna sa mga senior citizen at pediatric group o iyong mga nasa edad 5 hanggang 17 anyos.
Tututukan din aniya nila ang pagpapalakas sa booster shot vaccination lalo na sa vulnerable sectors.
Batay sa datos ng DOH may mahigit 60 milyong indibidwal na ang fully vaccinated sa bansa.
Pero sa bilang na ito ay mahigit 8 milyon palang ang nagpa booster shot.
Umaasa naman si Duque na sa oras na simulan ang Bayanihan Bakunahan 4 ay mas maraming kababayan natin ang makiisa at magpabakuna.
Matatandaang sa ginawang Bayanihan Bakunahan 3, hindi naabot ng gobyerno ang target na 5 milyong mabakunahan.
Madz Moratillo