Bayanihan Bakunahan program para sa 5-11 age group, pinalawig ng DOH
Pinalawig ng Department of Health (DOH), ang Bayanihan Bakunahan program para sa 5-11 year olds age group hanggang Biyernes.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire . . . “Kailangan magpatuloy ang ating pagbabakuna para mabigyan ng todo protection ang ating vulnerable population.”
Sinabi ng DOH, na dapat munang iparehistro ng mga magulang ang mga bata sa lokal na pamahalaan at kapwa magdala ng valid ID na mayroong larawan.
Tanging ang mga bata na may dati nang kondisyong medikal ang kailangang magpakita ng medical certificate mula sa kanilang mga doktor, habang ang iba ay susuriin din bago ang pagbabakuna.
Kung ang bata ay may allergey ay susubaybayan ito sa loob ng 30 minuto, subali’t kung wala ay 15-minuto lamang itong susubaybayan.
Samantala, nakapagtala ang DOH ng apat na bata mula sa 5-11 age group na nakaranas ng adverse effects, matapos bakunahan kontra Covid-19.
Ang mga nabanggit ay mula sa 52,262 na nagpabakuna sa 56 vaccination sites.