Bayanihan, isinagawa sa San Jose Del Monte sa Bulacan
Nagsagawa ng Bayanihan ang isang volunteer group at ilang indibidwal sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM), kung saan namahagi sila ng 300 tsinelas at mga bitamina para sa matatanda at mga bata.
Ang pamamahagi ay isinagawa ng volunteer group na Police Hotline Movement sa Barangay Muzon, sa pangunguna ni Kagawad Dion Aque.
Bukod sa mga tsinelas at bitamina, namahagi rin si Dr. Hilda Ong ng 350 food packs sa mga residente ng naturang barangay.
Layon ng Bayanihan program na makatulong sa mga mamamayan ng SJDM, na patuloy pa ring humaharap sa kahirapang dulot ng pandemya.
Pinasalamatan naman ng mga residente sa Barangay Muzon ang mga nagkaloob ng food packs, tsinelas at bitamina.
Ulat ni Oneil Manuel