BBM hiniling sa PET na atasan ang COMELEC na balikatin ang bayad sa rental at storage ng ballot boxes sa kanyang electoral protest

Nais ni dating Senador Bongbong Marcos na atasan ng Presidential Electoral Tribunal ang COMELEC na balikatin ang bayad sa rental at storage ng ballot boxes at iba pang bayarin kaugnay sa preserbasyon at safekeeping ng mga election material at paraphernalia kaugnay sa kanyang electoral protest.

Sa komentong isinumite ng kampo ni Marcos sa PET, iginiit nila na sa ilalim ng konstitusyon ang COMELEC ang may mandato na maging primary guardian ng mga balota at iba pang paraphernalia.

Ito rin ang dahilan kung bakit ang Precautionary Protection Order o PPO ay inisyu ng PET sa COMELEC.

Ang poll protest anila ay isang insidente lamang nang isinagawang halalan.

Ang komento ni Marcos ay kaugnay sa sulat ni Maria Lea Alarkon, Director III ng Office for Overseas Voting ng COMELEC kung saan kay Marcos pinabubuno ang bayad sa safekeeping ng mga balota sa ibang bansa.

Pero katwiran ni Marcos ang COMELEC ang may gampanin na bantayan ang seguridad at integridad ng mga  balota at iba pang election materials kaya sila ang dapat magbuno ng mga nasabing bayarin.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *