BBM, patuloy na iniendorso ng iba’t ibang political party at malalaking sektor
Walang patid ang pag-endorso at paghahayag ng suporta kay UNITEAM standard-bearer Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at sa ka-tandem nito na si Vice-presidential candidate Sara Duterte.
Isa sa pinakabagong nag-endorso sa BBM-Sara Uniteam ay ang One Cebu Local party na pinangungunahan ni Cebu Governor Gwen Garcia.
Ang cebu ay isa sa itinuturing na pinakamaraming rehistradong botante na 3.3 million sa darating na halalan sa mayo.
una rito, inindorso ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng bayan o PDP-laban na partido ni Pangulong Rodrigo Duterte si Marcos noong nakalipas na March 22, 2022.
Sumunod na nag-endorso kay BBM noong March 29, 2022 ang Nacionalista party ni Business Tycoon Manny Villar na isa rin sa pinakamatagal at pinakamalaking political party sa bansa.
Kabilang din sa mga nag-endorso sa standard-bearer ng uniteam ay ang reform party at national unity party bukod pa sa ibat ibang organisasyon at mga sektor na naniniwala at sumusuporta sa panawagang pagkakaisa at pagmamahal sa bayan ni Marcos.
Hindi rin nagpahuli ang sektor ng transportasyon sa paghahayag ng suporta kay Marcos at Duterte matapos ang kanilang isinagawang proclamation of support na dinaluhan ni Attorney Vic Rodriguez na tagapagsalita at Legal counsel ni BBM.
Nagpasalamat si Rodriguez sa “bangon bayan muli” na binubuo ng ibat ibang transport group na pinamumunuan ni Orlando Marquez kasunod ng paglagda sa manifesto of support.
Ang malawak at napakaraming suporta na ito aniya ang larawan ng nagkakaisang bansa.
Eden Santos