Beat Obesity With Me movement, inilunsad sa pagdiriwang ng World Obesity Day 2021
Kaalinsabay ng paggunita sa World Obesity Day ngayong taon, inilunsad ng Royal Danish Embassy Manila at ng ibat ibang medical association sa bansa, ang Beat Obesity With Me movement.
Layunin ng pagkilos na mapataas pa ang kaalaman ng mga tao ukol sa obesity at kung paano makabuo ng support system ang mga pasyente para ito malabanan.
Ang obesity ay karaniwang hindi nauunawaan nang lubusan ng mga tao at ang mga obese ay nakararanas ng stigma.
Sa isinagawang online forum ng Kalingang Novo Nordisk, nilinaw ng mga healthcare experts na ang obesity ay isang sakit at hindi lamang simpleng isyu ng mataas na timbang ng isang tao.
Sanhi o naaapektuhan din ito ng ibat ibang factors gaya ng genes, hormones, at kapaligiran ng tao.
Itinuturing din ng mga medical professionals na ang obesity ay global at silent pandemic na kailangan din na matugunan at mabigyang-pansin.
Base sa mga datos, tinatayang nasa 800 million katao sa buong mundo ang obese at sanhi ng pagkamatay 2.8 katao taun-taon.
Sa Pilipinas, isa sa bawat tatlong tao ay obese o kaya ay papunta sa pagiging obese.
Ang Metro Manila din ang may pinakamaraming kaso ng obesity, sumunod ang Davao City, Northern Mindanao, Cebu, at Central Visayas.
Bunsod din ng lockdown ngayong may pandemya ay dumami rin ang mga obese dahil sa stress, kawalan ng ehersisyo, at poor diet.
Bahagi ng Beat Obesity With Me movement, ang pagbuo ng mga communities na magsisilbing vital support system para malabanan ang sakit.
Inilunsad din ang Body of Truth Facebook page na naglalaman ng libreng web-based tools and resources, at iba pang practical at easy-to-do activities para mapagtagumpayan ang obesity.
Moira Encina