Beep cards, maaaring magamit sa contact tracing para sa mga posibleng Covid-19 carrier

Maliban sa dapat ipamahagi ng libre ang mga beep cards, maaari ding magamit ito sa contact tracing para sa mga posibleng Covid-19 carrier.

Sa panayam ng programang Bantay Lansangan kay Elvira Medina, Chairperson ng National Center for Commuter Safety and Protection Inc.,   matutukoy sa record ng beep cards kung sino ang sumakay, ilan ang sumakay, saan sumakay at bumaba ang isang pasahero.

Sa pamamagitan aniya ng Information Technology ay maaaring mailagay ang mga basic information ng isang mananakay sa beep card upang lalung makatulong sa pagsisikap ng gobyerno sa contact tracing.

Giit ni Medina, matagal na nila itong iminungkahi sa pamahalaan, sa katunayan nakapagprisinta na sila ng ganitong uri sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Naghahanda na lamang aniya sila para mailunsad ang testing para sa ganitong uri ng contact tracing gamit ang mga beep card.

Elvira Medina, chairperson NCCSPI:

“Kapag ka ikaw ay nagkaroon na ng card, magkaroon lang ng konting impormasyon, papasok na po yun bago ka magkaron ng QR code. Ang kaigihan po kapag naisakatuparan po natin at nagkaorn ng kaso halimbawa sa Balintawak, lahat ng sumakay sa area na yun sa ganung oras, makukhua po namin, within one hour po nandun na lahat ng resulta. Napakadali po kung gagamitan ng Information Technology”.

Elvira Medina, chairperson NCCSPI:






end

Please follow and like us: