Beijing nag-ulat ng pinakamataas nilang Covid case mula noong June 2020
Naitala ng Beijing nitong Linggo, ang pinakamataas na bilang ng bagong Covid-19 cases mula noong June 2020, habang naghahanda ang bansa sa Winter Olympics na 5 araw na lamang at magsisimula na.
Ang mga palaro ay gagawin sa isang mahigpit na “closed-loop” bubble bilang bahagi ng kanilang zero-Covid strategy ng targeted lockdowns, border restrictions at mahahabang quarantines.
Ang nasabing approach ay nakatulong para mapanatili ng China ang higit na mababang bilang ng nai-impeksiyon sa kanila kumpara sa maraming iba pang mga bansa, subali’t nakikipaglaban ito sa local outbreaks sa ilang siyudad at maging sa Olympic bubble.
Nahaharap din ngayon ang China sa panibagong challenge dahil sa Lunar New Year, ang pinakamalaking national holiday sa bansa, dahil inaasahang milyun-milyong katao ang babalik sa kanilang hometowns para makapiling ang pamilya at mga kaibigan.
Ayon sa National Health Commission (NHC), ang tally ng Beijing na 20 bagong kaso nitong Linggo ay ang pinakamataas na naitala ng lungsod mula June 2020.
Ni-lockdown naman ng City authorities ang ilang housing compounds, habang ang mga opisyal naman sa Fenghai district kung saan na-detect ang karamihan ng impeksiyon ay nagsimula nang isailalim sa test ang 2 milyong katao.
Araw-araw namang tini-test ang tinatayang 60,000 katao sa loob ng Olympics bubble.
Nitong Linggo, nag-ulat ang organisers ng 34 na bagong mga kaso mula sa mga nasa loob ng bubble, kaya’t sa kabuuan ay mayroon nang higit 200 na-infect mula nang selyuhan ang bubble noong January 4.
Ang mga bagong na-infect ay kinabibilangan ng 16 katao na hindi atleta o team officials, na nagpositibo kundiman pagdating sa airport ay sa loob na ng bubble.
Sinabi ng NHC nitong Linggo, na may 54 na bagong local cases.
© Agence France-Presse