Beijing nagpatupad ng bagong mas mahigpit na panuntunan bilang paghahanda sa Olympics
Nagpatupad ang Beijing ng mas mahigpit na bagong Covid-19 restrictions ngayong Miyerkoles para sa mga bibisita sa kapitolyo, kung saan magiging requirement na ang negative test result, at babawasan din ang domestic flights bilang paghahanda sa nalalapit na Winter Olympics.
Dahil wala nang 100 araw bago ang palaro, pinaghahandaan ngayon ng China ang hamon sa kanilang zero-Covid strategy sa sandaling magdatingan na sa Beijing ang libu-libong international athletes, makaraan ang ilang buwan ding mahigpit na border controls.
Lahat ng bibisita sa kapitolyo ay kailangang magpakita ng isang negative Covid test result mula sa nakalipas na 48-oras, habang ang flights na manggagaling sa higher risk areas sa loob ng China ay kakanselahin o lilimitahan sa isang araw at babawasan din ang kapasidad ng mga pasahero.
Ayon kay city spokesman Xu Hejian . . . “Beijing is the capital and has strong regional and international connections… The virus must not be introduced into Beijing and it must not spread in Beijing.”
Kabilang din sa bagong mga restriksiyon ang Covid tests kasa tatlong araw, para sa higit 30,000 katao na ang trabaho ay may kaugnayan sa cold-chain imports.
Inihayag ng China na ang mga naunang outbreaks sa kalipunan ng mga markey workers sa Beijing sa eastern Qingdao, ay iniuugnay sa cold-chain products.
Nananatili namang higit na mababa ang case numbers sa China kumpara sa karamihan ng miba pang mga bansa, kung saan walong domestic infections lamang ang naitala ngayong Miyerkoles.
Subalit hindi nagpapaka kampante ang mga awtoridad, dahil ang international attention ay nakapokus ngayon sa Beijing, dahil sa winter games.
Walang spectators mula sa labas ng China ang papayagang manood sa Olympics, na gaganapin mula February 4-20 sa isang “closed-loop” bubble.
Dapat ay fully vaccinated na ang tinatayang 2,900 athletes, dahil kung hindi ay mahaharap sila sa 21 araw na quarantine pagdating sa China. At araw-araw din silang sasailalim sa testing.
Simula noong Marso ay nagpatupad na ang China ng lubhang mahigpit na border controls, kung saan maraming miyembro ng mga pamilya ang nagkahiwa-hiwalay at marami rin na galing sa labas ng bansa ang hindi na nakabalik sa trabaho sa China. (AFP)