Benta ng ‘Spider-Man 2’ videogame, nagtakda ng record ayon sa Sony
Sinabi ng Sony Interactive Entertainment (SIE), na napakabilis naubos ng Marvel’s Spider-Man 2 videogame kaya nagtakda ito ng record para sa PlayStation Studios.
Ayon sa SIE, ang title, na dinivelop sa tulong ng Insomniac Games, ang naging “fastest selling PlayStation Studios game” sa loob lamang ng 24-oras makaraan itong i-release noong Biyernes, kung saan mahigit sa 2.5 milyong kopya ang naibenta.
Sinabi ni SIE global marketing vice president Eric Lempel, “I want to say thank you to the fans. With an epic storyline, two playable superheroes, a visually-stunning Marvel’s New York, and so much more, this is a game you can get lost in for hours.”
Si “Spider-Man” ay isang superhero sa Marvel comics sa mga unang bahagi ng 1960s at unang lumabas sa video games noong 1990s, ngunit walang naging malaking tagumpay.
Ang blockbuster superhero movies noong 2000s ay naging daan upang ang karakter dito ay maging tampok sa isang serye ng mga laro na binuo ng Insomniac mula 2018 para sa Sony.
Nang sumunod na taon, ay binili na ng Sony ang Insomniac.
Gumastos ng malaki ang Sony para sa development ng “Marvel’s Spider-Man 2,” kung saan ang graphics nito ay talagang nagtulak sa limitasyon ng technical capacities ng PlayStation 5, upang labanan si Kraven the Hunter at iba pang mga kontrabida.
Si “Spider-Man” ay maaaring laruin sa original na Peter Parker ‘skin’ o sa Hispanic-African-American teenager na si Miles Morales na nilikha noong 2011.
Sinabi ni Marvel Games head Jay Ong, “We are thrilled with how our characters are represented and the powerful, meaningful, new stories that emerge from their depictions in game.”