‘Best Spider-Man artist’ na si John Romita Snr, pumanaw na
Pumanaw na sa edad na 93, ang Marvel Comics artist na si John Romita Snr, na pangunahing kilala sa kanyang gawa sa “The Amazing Spider-Man.”
Si Romita Snr, na ipinanganak sa Brooklyn noong 1930, ay gumugol ng ilang dekada sa pagguhit ng eponymous superhero series ng komiks na “The Amazing Spider-Man” para sa publisher ng US na Marvel, sa panahon ng tinatawag na Silver Age ng naturang medium.
Sinabi ng kaniyang anak na isa ring comic book artist na si John Romita Jnr, “My father, John Romita passed away peacefully in his sleep this Monday morning. He is a legend in the art world and it would be my honor to follow in his footsteps… He was the greatest man I ever met.”
Sa kaniyang Twitter ay ipinost naman ng British comic artist na si Sean Phillips — kilala para sa Ed Brubaker collaborations gaya ng “The Fade Out” at “Fatale” — “Romita was the best Spider-Man artist.”
Nagtrabaho si Romita Snr kasama ang yumaong Marvel supremo na si Stan Lee, co-creator ng maraming karakter kabilang ang Spider-Man, na naging isa sa pinakamamahal na fictional hero sa mundo.
Gumuhit din siya para sa mga pamagat na pinagbibidahan ni Daredevil, isa pang likha ni Lee.
Parehong namatay si Lee at kapwa tagalikha ng Spider-Man na si Stephen Ditko noong 2018, sa edad na 95 at 90 ayon sa pagkakabanggit.
Sa isang speaking engagement noong 2022, ay sinabi ni Romita, “I meshed well into the creative processes at Marvel.”
Sa isa namang panayam sa The Comics Reporter ay sinabi niya, “I don’t consider myself a creator. I’ve created a lot of stuff. But I don’t consider myself a real creator in a (Captain America co-creator) Jack Kirby sense. But I’ve always had the ability to improve on other people’s stories, other people’s characters. And I think that’s what’s made me a living for 50 years.”
Gaya ng kaniyang ama, ang 66-anyos na si Romita Jnr, ay nagtrabaho rin sa “The Amazing Spider-Man” at “Daredevil.”
Nag-post naman ng tribute sa Twitter si James Gunn, director ng “Guardians of the Galaxy” series ng Marvel, “Sorry to hear about the great comic book artist John Romita Sr passing at the age of 93.”
Nagbigay pugay din ang kasalukuyang Spider-Man writer na si Dan Slott, “I grew up with John Romita’s Spider-Man as my Spider-Man. He was already one of my heroes before I’d ever set foot in Marvel. When I was an intern (at Marvel) in the 90’s, it was surreal to me that he worked on staff, and I was in awe seeing him walk through the halls.”
Nagtrabaho rin si Romita Snr para sa katunggaling superhero behemoth na DC, sa mga unang taon ng kaniyang career.
Unang pumasok ang mga superhero sa mas malawak na kamalayan ng publiko noong 1938 sa pagdating ng Superman sa Action Comics #1.
Nang sumunod na taon, ay dumating na ang Caped Crusader na si Batman, bago ang iba pang heroes gaya ni Captain America.
Nawala ang popularidad ng nasabing genre sa post-war period ngunit nakabawi sa mga huling bahagi ng 1950s at unang bahagi ng 1960s — salamat kay Lee, na lumikha sa Fantastic Four noong 1961 para sa Marvel Comics.
Mabilis ding nagsunuran ang The Hulk, Thor, Spider-Man, the X-Men at Black Panther.
Sa nakalipas na 15 taon, marami sa mga karakter, pati ang Iron Man, ang pinagsama-sama sa Marvel Cinematic Universe, isang multimedia franchise na sumakop sa cinema screens sa buong mundo.
Sila ang bumubuo sa apat sa 10 nangungunang highest-grossing films of all time, kabilang ang “Spider-Man: No Way Home” ng 2021.
Ang “Spider-Man: Across the Spider-Verse,” na pinakabagong kabanata sa hiwalay na serye ng webslinger ng Sony, ay nangibabaw sa takilya noong nakaraang linggo.