BFAR kailangan nang dagdagan ang kanilang patrol vessel
Humihingi ng dagdag na patrol vessel ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Senado para sa pagbabantay ay pag-alalay sa mga mangingisda sa West Philippine Sea
Sa budget hearing para sa hinihinging pondo ng Department of Agriculture at mga attached agencies nito, sinabi ng BFAR na kailangan nang dagdagan ang kanilang mga patrol vessel.
Sinabi ni BFAR director Demosthenes Escoto na target nilang matapos ang kanilang refleeting program pagsapit ng sampung taon
Sa estimate ng BFAR, ang bawat patrol vessel ay nagkakahalaga ng 150 hanggang 200 million.
Kaya nitong magsuplay ng langis at iba pang logistics tulad ng pagkain na makakatulong sakaling may mga na-istranded na mangingsida
“We are proposing about 3 vessel at least every 2 years new set 50 meter vessel” pahayag ni BFAR Director Demosthenes Escoto
Sinabi ng opisyal na maaari rin itong gamitin sa mga relief operations tuwing may kalamidad
Mungkahi ni Senador JV Ejercito, ilipat na lang sa BFAR ang 50 million na confidential funds ng DA para may maipambili ng barko bilang dagdag proteksyon sa mga mangingisda.
Ayon sa Senador kailangang suportahan ang BFAR bilang tulong sa mga mangingisda na madalas na nabu-bully ng mga chinese militia at Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea
“I would support din filipino fishermen has to take advantage marine resources hindi po dayuhan hindi po ba?” pagsuporta ni senador JV Ejercito
Suportado ng Chairman ng Sub-committee ng Finance ang mungkahi ni Ejercito at tiniyak na magsasagawa sila ng re-alignment sa budget ng BFAR
“Yung intel funds ibibigay sa BFAR para ibili ng barko hindi na ma-argue barko naman for West Philippine Sea.” pahayag ni Senador Cynthia Villar
Meanne Corvera