BFAR resupply mission, matagumpay
Naging matagumpay ang resupply mission ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa mga mangingisdang Pinoy sa bahagi ng Iroqouis o Rozul Reef sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon sa BFAR, ginawa ang resupply mission nitong Pebrero 5, kung saan nagdala sila ng mga pagkain, gasolina, gamot, tubig at iba pang ayuda spara sa mga mangingisdang Pinoy roon.
Sinabi pa ng BFAR na sa buong panahon ng resupply mission ay wala na silang nakitang Chinese vessels kumpara sa mga nakaraan na nasa 30 Chinese vessels kabilang ang maritime militia vessels na kanilang naobserbahan ro Rozul reef.
Maging ang sasakyang panghimpapawid ng BFAR na nagmonitor ng resupply mission ay wala umanong natanggap na anumang radio challenge.
Madelyn Villar-Moratillo