BI Deputy Commissioner Joel Anthony Viado itinalagang OIC ng BI

Courtesy of Bureau of Immigration

Nagtalaga na si Justice Secretary Crispin Remulla ng officer-in-charge sa Bureau of Immigration (BI), matapos na alisin sa puwesto si Immigration Commissioner Norman Tansingco.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), si BI Deputy Commissioner Atty. Joel Anthony Viado ang magsisilbing caretaker o OIC ng BI habang wala pang naitatalaga si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na bagong commissioner.

Si Viado ang mangunguna sa araw-araw na operasyon ng BI sa ilalim ng pangangasiwa ni Remulla.

Sinabi ng DOJ na epektibo kaagad ang pagtalaga kay Viado hanggang walang bagong BI commissioner.

Naniniwala si Remulla na si Viado ang pinakaakma sa posisyon para hindi maantala ang operasyon ng BI.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *